Stories

Sa malayong lugar

Pasensya na at matagal tagal rin akong nawala. Hindi ko lang kasi alam kung ano ba ang dapat na ikukwento ko na para kasing detached ako sa mundo these days. Naaalala ko pa nung huling pangako ko na susubukan kong sumulat ng mga bagay bagay na makakatulong at inspire sa mga readers ngunit heto ako ngayon tuloy sa pag diary ng buhay ko.

Hindi ko ipagkakaila na malungkot ako at continuously confused hanggang sa mga oras na ito. Ang nasa isip ko bakit ang hirap mabuhay although ineexpect ko naman na mahirap talaga ang buhay kaso bakit may mga taong mas gustong nakikita kang nahihirapan? Na imbes na intindihin ka ay mas pipiliin pa nilang sabihin ang mga bagay na nakakasakit sayo. Nalilito kasi ako dahil kung sino pa ang ineexpect mong makakaintindi sa iyo ay yun pa ang huhusgahan ka. 

Minsan itinanong ko sa sarili ko, yun lang ba ang halaga ko sakanila? Yun lang ba talaga ang pagkakakilala nila sa akin?

Sana kaya kong sabihin sa sarili ko na hindi ko naman talagang kailangan tiisin yun at may karapatan naman akong ipagtanggol ang sarili ko kaso hindi lang talaga ako ganun. Kung maaaring iwasan, iiwas at iiwas ako. Pero gusto ko lang sabihin na hinay hinay naman sa pananalita, matagal ko na tong kinikimkim sana naman mas maging accepting at hindi ganun ka low. Kung maging awkward man tayo pagkatapos kong ipublish ito, sorry ngunit hindi na talaga ako pwede pang manahimik nalang. Alam kong anghel ka kumpara sa akin at inaamin ko naman yun kaso wag naman yung ipapamukha mo sa akin, tawagin mo na akong pikon kaso lahat ng bagay may limitasyon.

Pasensya na at lalayo na muna ako.

Call it coping mechanism pero kailangan ko lang talaga icomfort sarili ko at kung hindi ka nakakatulong kailangan kong lumayo muna bago ko pa tuluyan ihate ang self ko dahil sa pagpapaalala ng mga maling choices ko sa buhay.

Masaya ako at proud dahil you did right sa life. Siguro’t magpapasalamat narin ako sa mga pabirong salita na sumindak sa akin sapagkat dahil doon, mas narealize ko na may mga ibang tao na hindi katulad sayo, mga taong mas tanggap ako at hindi lang ganun ang worth ko na kahit nagkamali man ako ay maaappreciate parin nila ako dahil wala namang perpekto, at dahil doon nakita ko kung gaano mas dapat akong maging accepting sa nakaraan ng iba na kahit ano pa ang maling napagdesisyunan nila sa past ay may mga tao parin na handa silang tanggapin at hindi sila huhusgahan ngunit…

Hanggang dito nalang ako.

Paalam. 

Advertisements