Stories

Preno

Masyado na atang malayo ang nalakbay ko at kailangan ko nang pumara. Hindi man ito ang tamang lugar pero kailangan ko nang huminto. Siguro dahil masyado nang maganda itong bagong ruta at ayaw ko nang bumalik sa lugar ng aking pinanggalingan at marahil rin makalimutan ko na ang daan patungo sa nakaraan. 

Pero wag kang mag aalala hindi pa naman ito ang oras ng pag balik ko, magpapahinga muna ako dito sa kung saan malayo at maganda. Aaliwin ko muna ang aking sarili para naman sa aking pagbabalik mga magagandang ala ala ang aking dala. 

Malayo rito ang aking mundo kung ikukumpara.. mas simple, tahimik, kalmado, at kumportable dahil higit sa lahat doon mas ligtas ako.

Gaano man kasaya at kaganda itong bagong mundong natuklasan ko alam kong hahanap hanapin ko parin kung saan ako nagmula at namuhay ng simple. Sapagkat kasabay ng pagkamangha ay ang pagkawala ko sa aking sarili.

Luluha man ako sa aking pagbabalik, ngunit ninanais ko na sana balang araw kung sakaling mawala ka at makarating sa aking mundo ikaw naman ang dumalaw at magpahinga sandali.

Advertisements