Stories

Tapos na

Ilang minuto rin akong tulala bago ko naisipan ituloy ang pagsulat. Ilang ulit ng pagbura para lang maitama. Tila may hinihintay nanaman akong bulong mula sa kalawakan upang gisingin ako sa katotohan.

Mukhang hindi ko ata matatapos tong sulat na kahit itong munting mensahe ay hirap na akong simulan. Ang rason, hindi ko alam. Siguro ay sadyang mahirap magsalita kung alam mong ikaw mismo ang salarin. Masakit isipin na maraming bagay ang hindi natin hawak tulad na lamang ng pag ikot ng mundo at mga pangakong nasaksihang sumama sa agos ng hangin.

Binulong ko sa sarili ko na marahil may mas magandang kwento ang darating, isang mas realistiko at makatotohanan ngunit pasensya na dahil hanggang ngayon hindi ko lubos maisip kung ano ang tamang paliwanag

Advertisements