Stories

Bulag

Isa akong bulag hindi dahil may problema ako sa paningin kundi dahil pinili ko ang maging isang bulag. Madali lang naman kung iisipin ang pagkukunwari na wala kang alam at nararamdaman sa mga bagay na alam mong nangyayari na.

Hindi man ako sigurado kung kailan o di kaya naman paano nangyari ito bastat ang alam ko ay nagsisimula na akong magbulag-bulagan mula sa mga bagay na hirap kong tanggapin at paniwalaan sa dahilan na sadyang inconsistent ang mga tao at mas madaling hayaan na lamang sila at magkunwaring hindi ka apektado.

Imbes na magtanong kung bakit at paano nangyari ay mas pipiliin ko na lamang tumahimik at lumakad. Siguro ay dahil na rin sa kahinaan ko pero talaga bang masisisi mo ako? Kung ang isang mahinang katulad ko ay may kamalayan kung gaano kasakit ang hindi mapansin at naiiwan na lamang sa mga salitang puro namang hangin at walang kasiguraduhan

Advertisements