Stories

Nawalan na ng gana ang tadhana..

Mahal ito na ata ang dulo at tila nawalan na ng gana ang tadhana sa atin. Naririnig mo pa ba ako? 

Paano na ang mga planong pangakong hindi na napuna? Bakit tila ang bilis naman ata ng walang hanggan natin.. 

Mahal kung pwede lang sana teka lang dahil hindi pa ako handa, binuhay sa mahal kita at uuwi sa pagkawala. Mahal teka ang gulo, totoo ba ito? Hindi ba’t kahapon lang nung sinabi mong handa ka nang ipaglaban ang tayo

Tama bang isisi ko sa tadhana kung alam koikaw ang nagbago at pumiling kalimutan lahat at nawalan na ng gana..

Advertisements